I just had the break from school works today. And I finally decided to give time on posting a blog tonight. Before I get a nosebleed or blood bath, I’ll begin speaking taglish(Tagalog-English) or bilog(Bicol-Tagalog) for my comfort. Haha! :D OH WAIT! Thanks to LouDLe for the idea of going back to tumblr. Haha! I really find it hard to give time for stuffs like this nowadays unlike those times back when I was a sophie and lalo na nung freshman pa ako. :D
Moving on to a topic, this post is about an idea I have been pondering on for so long. Yeah, quite so long.
Leadership is one of the areas I am known for. Kaakibat nito ay ang pagiging kilala bilang parte ng isang partidong sabihin na nating may magandang adhikain na maghasik ng pag-unlad at kasiyahan sa aming unibersidad. But because of the standards which the body have set, ang partidong ito ay inconsistent lalo na sa paggawa ng lineup sa iba’t ibang colleges para sa eleksyon. Sa sobrang pili ng mga ipapatakbo at sa hirap na rin siguro ng paghahanap ng mga ideal leaders, hindi natatapos ang lineup na balak isakatuparan.
Maliban sa partidong kinagisnan ko, may dalawa pang mas malalakas na partido sa aming unibersidad. Sa palagay ko naman, tulad ng partido namin ay positibong pagbabago rin ang gusto nilang mangyari sa unibersidad. Ang dalawang ito ay may sari-sariling prinsipyo na ibinabahagi sa mga mag-aaral para lamang makumbinseng iboto sila.
Ang isa ay mukhang pageant, sa kabila naman ay mukhang debate.
Sa isa ay mukhang kampanya, sa kabila naman ay mukhang debate.
Sa isa ay mukhang matatalino, sa kabila naman ay mukhang debate pa rin.
Hindi naman sa minamaliit ko ang mga kakayahan ng mga mag-aaral na kabilang sa bawat partido. Alam ko naman na lahat ng mga kakandidato ay may kanya-kanyang rason sa pagtakbo. Bilib lang talaga ako sa partidong mukhang pageant, kampanya at matatalino dahil sa ilang taon nang lumipas ay di pa rin sila nagigimbal sa mga dumarating na mga iba’t ibang partido sa unibersidad. Oo. Magaling sila. Matalino sila. AT MAGAGANDA’T GWAPO SILA. Yun nga lang, FOR EVERY RULE, there’s always an exemption. HAHA!
Ngayon, iniimbitahan ako sa partidong pageant at big deal yun sa akin. Kahit pa sabihin kong nakapagdecide na akong hindi ako tatakbo O hindi ako tatakbo sa ibang partido, lagi ko pa rin iniisip yung ‘pano kaya kung sa kanila ako tumakbo?’ Marami akong kaibigan sa partidong kinakalaban ko. Kung tutuusin, dahil sila yung laging nananalo eh mas alam nila kung anong pasikut-sikot ang ginagawa sa council. Yun bang hindi nila ginagawang training grounds ang mga tulad ng University Student Council. Hindi kasi biro ang mapabilang dun.
Sa part ko naman, ayoko na rin naman tumakbo dahil sa gusto ko nang magconcentrate sa studies ko sa huling taon ko sa unibersidad namin (SANAAA! XD). Hindi ko alam, pero mukhang selfish nga talaga ang rason ko (OO ba?). Ang hirap kasi magdesisyon lalo na kapag wala ka pa sa actual situation. Wala naman kasing yun bang kapag anjan na at ayaw mo na, sasabihin mo na lang na ‘NEXT!’ tapos bago na ang lahat. Yun bang laging ang gusto mo ang masusunod, yun bang pwedeng ibalik ang nakaraan para bawiin ang mga desisyong nabitawan, WALANG GANUN! The point is, I’m wanting to prioritize my studies this time.
Kaso, andun pa rin yung willingness kong magserve. Nanghihinayang din ako sa credentials. Pandagdag pa yun para sa resume at malaking advantage din yun sa paghahanap ng trabaho. Ako na ang selfish. Pero lahat yun, kinoconsider ko para mapili ang tamang desisyon. Ngayon, kayo naman ang tatanungin ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Tumakbo o Mag-aral na lang?