Sa usapang ito, hindi na muna pulitika sa unibersidad namin ang ikukwento ko pero may relasyon pa rin ito sa pagiging sikat. Ano pa nga ba kundi ang mga taong agaw pansin sa mga litrato at sa runway. Oo, pageantry.
Ano pa nga ba at mejo dumarami na rin ang nagsasabing sumali raw ako ngayong taon. Ano nga bang meron ako? Ewan lang. Di ko pa talaga maisip ang sitwasyong andun na ako sa entablado’t rumarampa. Wala naman akong height. Andami ko pang insecurities. Pero alam ko namang sa kabilang dako nito’y isang napakalaking oportunidad para sa mga bagong daan na nabubuksan tungo sa mga bagong posibilidad na makamit ko ang tagumpay ko sa buhay. May parte sa akin na, oo, gusto ko rin naman. Yun bang may gusto akong patunayan hindi lang sa sarili ko kundi sa mga taong nasa paligid ko. Pero, dahil nga ako ay isang IT junior sa unibersidad namin, ayoko naman din na maiwan pagdating ng Y4IT (kung sakali mang palaring manalo. Haha! Kapal.) Yun lang din talaga ang iniisip ko.
Pero ang mga ganito?

Oo. Isa rin talaga yan sa mga pangarap ko. :D Ano?